Monday, August 31, 2009

HUMAN COMM+BASIC ACCOUNTING

So, ganun talaga. Out of the blue bigla na lang akong gumawa ng sarili kong blog pagkatapos magsawa sa multiply at magtiyaga ng liman libong taon para maintindihan kung paano yung set up ng friendster sa mga blog settings keme nila. Simple lang naman akong tao. Kapag hindi ko naintindihan yung isang bagay, susuko na lang ako.

Katulad na lang ng nakaraan nitong training dito sa office (para sa mga kahapon lang ako nakilala, sa INSOL po ako nagtatrabaho kung saan kini-cater namin yung mga maliliit na negosyante para blah blah) kung saan may isang Nanay ( nanay is equivalent to a member, pero kapag lalaki, malamang tatay. gudlak) na talagang bonggang bongga niyang dini-fy yung pag-aaral ng cashflow journal (ok, nosebleed). Paano ba naman daw? Kikita naman daw nga siya kahit hindi na siya mag-aral na kung anu man yung meron sa cashflow journal. Ito naman ako, masyadong bilib sa sarili pagdating sa human communication (as what my CV tells so) ayun, nag-try i-comfort si Nanay. Sa huli, pinahiya ko lang sarili ko. Kasi nag-uusok na talaga yung ilong niya. Ayaw na niyang makinig. Nahihirapan na daw siya. Eh anung gagawin ko? Alangan naman na mag-offer ako ng tulong na, "cge lang nay, ok lang yan. Iko-coach naman kita". Eh hindi! Hindi pwede yun! Kapag ginawa ko yun, mas maigi pang mag-resign na ako. Dahil unang una, hindi nag-eexist ang numero sa buhay ko. At pangalawa, hindi ako nakakakita ng numero. Pero Best in Math naman ako ng elementary kaso nga lang ng pumasok na ako ng kolehiyo, wala na. NASIRA NA BUHAY KO. Ikaw ba naman, magmaskum ka ba naman. Pero hindi ah? Marami din kayang magaling sa amin magbilang, ewan ko lang kung asan na sila ngayon. Ayoko ng magsalita.

Eh di yun na nga. Sa huli, si bossing na yung kumausap kay Nanay na mareklamo. Pahiya talaga ako kasi trabaho ko yun. Eh kung iko-comfort mo lang naman siya na kahit ikaw hindi naiintidihan yung pinag-aaralan nila at assuming na may alam, duh, talikod na lang ako, sabay tanong, "ok na po ba ma'am?"


Bottomline: DAPAT KASI MAY BASIC ACCOUNTING NA SA MGA COMMUNICATION COURSES NGAYON. DINUDUGO TALAGA AKO. TSK





No comments:

Post a Comment